Oct. 02, 2008 -Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
NEWS NEWS
HOME
HEADLINES EDITORIAL AND OPINIONS
Abante Online
HEADLINES
 
SSS investments ipinalalantad
(Bernard Taguinod)
 

Bagama’t siniguro ni dating Social Security System (SSS) president Corazon dela Paz na “stable” ang financial status ng nasabing financial institution, nais pa ring makasiguro ng mga kongresista na hindi nanganganib ang pera ng mga miyembro nito.
Ito ang dahilan kaya pinalalantad ni Gabriela party-list Rep. Liza Maza kay SSS President Romulo Neri ang mga impormasyon kung saan-saang kumpanya nag-invest ang SSS.
Ayon kay Maza, hindi maiwasang kabahan ngayon ang mga miyembro ng SSS dahil sa economic meltdown na nangyayari sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
“Tungkulin ni Neri na isapubliko kung saan-saan sila nag-invest para hindi naman kinakabahan ang mga miyembro ng SSS. Baka magising na lang tayo isang umaga na rin nagpapautang ang SSS,” pahayag ni Maza.
“Tulad niyan, nag-invest ang GSIS sa isang Europe financial institution..,” anang lady solon.
Nade-delay na umano ang pension ng mga miyembro ng GSIS kaya duda si Maza na apektado na rin ito sa krisis sa Amerika.

 

Microsoft Internet Explorer 7 EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES