Oct. 02, 2008 -Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
NEWS NEWS
HOME
HEADLINES EDITORIAL AND OPINIONS
Abante Online
HEADLINES
 
Agimat naluha sa panganganak ni Inah
(Rey Marfil)
 

Naluha si Philippine Reclamation Authority (PRA) chairman at dating senador Ramon ‘Agimat’ Revilla Sr., matapos mabalitaan ang panganganak ng kanyang apo at pagkakaroon ng apo sa tuhod na isang senyales sa gumagandang kalagayan sa kabila ng tinamong operasyon sa pagkaka-stroke nito.
Masayang ibinalita ng Revilla brothers, sa pangunguna nina Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., at Bacoor Mayor Strike Revilla ang gumagandang kalagayan ng kanilang ama matapos tanggalin ang namuong dugo sa ulo nito.
Patuloy na nanawagan ng panalangin sa publiko ang pamilya Revilla, partikular sa mga tagahanga at supporters upang mapabilis ang paggaling o recovery ng dating senador.
“Napaluha siya nang nalaman niyang nanganak si Inah. Nanawagan pa rin kami ng panalangin para sa kanyang mabilis na paggaling,” pagkukuwento ng batang senador sa kalagayan ng kanyang ama.
Habang si Mayor Strike Revilla, tumatayong spokesman ng pamilya, sinabing nahihirapang maigalaw ng kanyang ama ang kanang bahagi o kalahati ng katawan matapos ma-stroke subalit gumaganda ang lagay kumpara sa unang araw ng isugod sa ospital.
“Malaki na ang improvement ng kalagayan niya ngayon, base d’un sa aming nakikita sa kanya,” anang alkalde na sinegundahan ang paghingi ng panalangin sa mga supporter at tagahanga ng kanyang ama.
Si Revilla, 83-anyos, tinaguriang ‘Agimat’ ng local cinema at sumikat sa pelikulang ‘Nardong Putik’, ito’y isinugod sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City matapos makaranas ng paninikip ng dibdib.

 

Microsoft Internet Explorer 7 EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES