Oct. 02, 2008 -Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
NEWS NEWS
HOME
HEADLINES EDITORIAL AND OPINIONS
Abante Online
EDITORIAL & OPINION
 
Usapang civil registry
Sen. Chiz Escudero


Dear Sen. Chiz,
Musta po kayo at sa lahat ng bumubuo ng inyong colum? Ikinasal ako last April 1998, secret marriage lang ‘yun. Then after a month nag-abroad ako. Magulo ang naging relasyon namin. After 3 years umuwi ako rito sa ‘Pinas. Mula nang makita ko ang asawa ko that time, naghiwalay na kami. Until now wala na kaming communication sa isa’t isa. Hindi ko na alam kung saan ko siya hahanapin. ‘Yung kasal namin nangyari sa city hall ng Manila. Pina-verify ko sa NSO, meron kaming record doon na katunayang ikinasal nga kami. Wala kaming marriage license, sir. Sa ngayon ay may girlfriend ako at alam niya ang sitwasyon ko. Ano ba ang gagawin ko para kung sakaling magpakasal kami ng girlfriend ay magiging legal ang aming pagsasama. Kailangan ba ng annulment kahit hindi ko na alam kung saan ko hahagilapin ‘yung pinakasalan ko? Ano ba ang dapat kong gawin? Jhun Santos of Calumpit, Bulacan
***
Dear Jhun,
Ayon sa Articles 3 at 4 ng Family Code ang isang kasal na ginanap na walang marriage license ay “void ab initio” o walang saysay sa simula pa lang. Kung ganito ang iyong sitwasyon, kailangan mo ng “declaration of nullity” o pagsasawalang bisa ng iyong kasal sa korte. ‘Pag nangyari ito pwede ka na uling maikasal. Kung naikasal ka naman na may marriage license ay ikinalulungkot ko na hindi ka pa pwedeng maikasal muli habang buhay pa ang babaeng pinakasalan mo. Mahirap isipin na ikinasal ka ng walang marriage license sapagkat may rehistro ang kasal mo sa NSO. I-verify mo ito ng maigi sa civil register kung saang munisipyo o syudad ka ikinasal para maiwasan na makasuhan ka ng bigamya.
Chiz
***
Dear Sen. Chiz;
Good day po! Ilang araw or buwan po ba before makuha ang bagong correct na birth certificate sa NSO? Pina-correct ko po kasi ang birth certificate ko last March, hanggang ngayon wala pa raw sa NSO. Wala po kasing “III - the third” ang nakalagay sa birth certificate ko gayong ito po ang gamit ko noon pa. Meron po bang additional fee para mapabilis ito?
Salvador A. Vergara III
***
Dear Salvador,
Walang tiyak na panahon upang maibigay ng local civil registrar ang naiwastong birth certificate. Maaaring umabot sa tatlong linggo o higit pa para maibigay ng local civil registry ang naiwastong birth certificate. Maaari namang umabot ng karagdagang higit sa tatlong linggo upang mai-endorse sa NSO ang naiwastong birth certificate. Mangyaring makipag-ugnayan ka sa NSO.
Sumasainyo,
Senator Francis ‘Chiz’ Escudero

 

Microsoft Internet Explorer 7 EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES