Oct. 02, 2008 -Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
NEWS NEWS
HOME
HEADLINES EDITORIAL AND OPINIONS
Abante Online
EDITORIAL & OPINION
 
Maging transparent
Editorial


Tungkulin ng mga government financial institutions sa bansa o GFIs sa pangunguna ng Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS) na isapubliko kung saan-saang kumpanya sila nag-invest.
Ito ay upang mawala ang pangamba ng mga miyembro ng naturang mga ahensiya ng gobyerno bunsod ng financial meltdown na dinaranas ng Estados Unidos at ng Europa.
Una nang napabalita na nag-invest ang GSIS sa Europe financial institutions na dumaranas ngayon ng pagbagsak.
Dahil sa ganitong impormasyon, marapat lamang sa aming palagay na maging transparent ang SSS sa usaping pinansiyal ng ahensiya.
Bagama’t nagbigay ng katiyakan ang SSS na matatag ang financial status ng ahensiya pero hindi natin ito puwedeng panghawakan.
Ang kailangan ng mga miyembro ay solidong ebidensiya na magpapatunay na walang investment na ginawa ang SSS sa mga financial institutions sa US at Europe.
Mahirap namang malaman na sa bandang huli ay bangkarote na ang SSS at ang inaasahang pensyon na tatanggapin ng mga miyembro ay naglaho nang parang bula dahil sa maling investment na ginawa ng ahensiya.
Ayaw nating lumala ang sitwasyon kaya habang maaga dapat ay maging tapat ang pamunuan ng dalawang ahensiya ng gobyerno at isapubliko ang mga pinaglagakan nila ng pera ng mga miyembro.

 

Microsoft Internet Explorer 7 EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES