Bagamat maulan kahapon, naging matagumpay pa rin ang ginawang PBA presscon sa Diamond Hotel, para sa pagbubukas ng 34th Season sa darating na Sabado, October 4, sa Araneta Coliseum. Ang programa ay sisimulan sa ganap na alas 4:00 ng hapon, kung saan ipaparada ng sampung team na kalahok ang kanilang naggagandahang muses, panauhing pandangal si Ms. Christy Kenny, US Ambassador, kasama ang ilang mga paslit na magpe-perform, kasama rin ang mga players na representative ng bawat koponan.
Ang muse ng mga teams ay pangungunahan ni Anne Curtis (Brgy. Ginebra), sa Rain or Shine si Ms. Prescilla Merlles ( GF ng actor na si John Estrada), sa San miguel Beer (dating Magnolia ) ay walang iba kundi si Marian Rivera, sa Purefoods Tj Giants si Iya Villana, sa Talk N Text “tropang texter si Ruffa Mae Quinto (Alaska Aces), Ms. Isabel Diaz Daza (anak ni Ms. Gloria Diaz) sa Red Bull Barakos, isang Brazilian daw sa Coke, pero ‘di pa sigurado, at wala pa rin namang pirmahag nagaganap between the management at kay Ms. Pokwang.
Ang Air21 ay wala pang inihayag na muse, pati na ang Sta. Lucia.
Pagkatapos siyempre ng parade, isusunod ang laro sa pagitan ng Coca-Cola Tigers at Talk ‘N Text. Goodluck!
***
Nangako nga pala ang KFC, bagong partner ng PBA, na marami silang nakakatuwang handog para sa mga manonood ng liga, na mapapanood na ngayon sa pamamagitan ng Solar Sports sa C/S RPN-9.
Narito naman laro para sa Linggo sa Cuneta Astrodome: 4:00 pm - Air21 Express kontra sa Rain or Shine, at sa 2nd game, 6:30 pm - Alaska Aces laban naman sa San miguel Beer.
***
Samantala, nais sana ni coach Yeng Guiao, na pawang malalaki ang manlalarong bubuo sa national team.
Kasama sa nais niyang buuin si Japeth Aguilar, anak ni dating PBA player Peter Aguilar, na may taas na 6’10” at kasalukuyang nasa Amerika.
***
Napansin namin na nasa line-up ng Brgy. Ginebra si Junjun Cabatu, dating Alaska Aces.
Mukhang napaganda ang kalagayan ng anak ni Sonny Cabatu, na dati ring Ginebra player. Pero hindi naman nabigyan ng kontrata ang kapatid ni Junjun na si Christian. |