Oct. 02, 2008 -Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
NEWS NEWS
HOME
HEADLINES EDITORIAL AND OPINIONS
Abante Online
SPORTS NEWS


Agent: Coach Yeng Guiao, Mission: Ang Bagong RP Team
TJ Manotoc
 
Nitong nakaraang linggo inanunsyo na ni PBA Commissioner Sonny Barios ang kanyang personal choice para pangalagaan ang PBA-led RP Team. At ang kanyang pinili ay si Red Bull Coach Yeng Guiao. Bagamat walang nag-kamot ng ulo sa kanyang pag-pili, agad pinaliwanag ni Comm Sonny ang kanyang rason kung bakit si Coach Yeng kannyang napili, at iisa ang tono ng kanyang sagot: Overachieving.
Para kay Comm Sonny, may tatlong klaseng Coach sa Pro-Level, ang under-acheiver, ang consistent sa kanyang ptoensyal, at ang overachiever, o ang tao na kaya pang higitan sa inaasahan sa kanila. Ganun daw si Coach Yeng mata nya, at tinging ko naman walang iiliing dito at sasangayon nga na yon nga ang tingin ng halos lahat sa atin sa coaching record ni Cocah Yeng.
Para sa akin memorable si Coach Yeng sa aking broadcasting career. Taong 2000 nung nag-simul ako bilang TV Analyst sa PBA at ang unang game na na-assign sa akin noon ay Reb Bull vs Sta Lucia. Ka-partner ko nun si Noli Eala, isa sa mga beteranong Anchor na respetadong-respetado sa sportscasting. Lalong dumagdag sa kaba ko nun na unang sabak ko sa sportscasting. Unang taon nun ng Red Bull sa PBA at unang taon din ni Coach Yeng sa team. Makalipas ang ilang play, naka-relax na din ako nun at na-enjoy ko yung game. Dikit ang laban nun bagamat lumamang ang Red Bull hinabol pa ito ng Sta Lucia at na-puwersa ang overtime. Sa overtime, napunta pa sa final play ang laro, at napunta kay Chris “Lucky” Bolado ang bola, at naka-shoot sya ng running hook shot para manalo. Talunan ang lahat ng tao sa Araneta, kasama na kami ni Noli dun. Ayun, part of PBA history, first game ko bilang PBA analyst, at kung hindi ako nag-kakamali first win ng franchise ng Red Bull (pagkatapos matalo sa Ginebra sa kanilang opening game).
Mula non nakita ng PBA Community ang pag-mature ni Coach Yeng bilang coach. Marami na syang dinaang giyera at kontrobersya. Nakapag-champion na sya ng maraming beses, at maraming beses dun, underdog ang Red Bull non. Isa sa mga napupuna ko kay Coach Yeng ay ang kanyang attitude at winning desire, at yung ang palagaing consitent sa kanya sino mang player ang hinawakan nya. Maraming nagsasabi din minsan unorhotdoxed or unpredicatable ang stilo ni Coach Yeng, maaring paiba-iba pa sya ng starting five at player rotation. Pero ang nakikita nating consitent sa mga team nya, ay ang winning desire at consitency na mag”overachieve”.
Sa mga darating na buwan, mag-oobserve si Coach Yeng, hopefully kasama ang gma dating RP Team coaches, at pipili sya ng 15 players na iimbitahin nya para sa RP Team. Ayon kay Coach Yeng, hindi na nya gusting idaan pa sa mahabaan try-out period dahil para sa kanya maliwanag naman ang mga player na sa tingin nya bagay na bagay para representahan ang bayan. Unang pag-subok ng bagong RP Team at ni Coach Yeng ay sa FIBA Asia Championship sa 2009, qualifier ito para sa World Championships na muling tina-target ng SBP-BAP.
Hamon nalang kay Coach Yeng ngayon, tulad ng ibang mga RP Coach dati, ay ang pag-gel ng team ay maging cohesive sa isang systema kahit na patuloy silang bahagi ng kani-kanilang mga mother teams.
We wish Coach Yeng the best of luck, at sanay mahawa nya di lang ang mga player na pipiliin nya, kundi ang gating bayan sa kanayang pinapa-usong “overachieving”.

 


Microsoft Internet Explorer 7 EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES