Oct. 02, 2008 -Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
NEWS NEWS
HOME
HEADLINES EDITORIAL AND OPINIONS
Abante Online
SPORTS NEWS


  Pacquiao nagsimula nang ‘mamasyal’
(Virgi Romano)
 
Sinimulan na ni Manny Pacquiao ang pamamasyal sa iba’t ibang malalaking siyudad sa Estados Unidos para sa promotion ng ‘Dream Match’ duel nila ni Oscar De La Hoya.
Matapos ang press conference sa Statue of Liberty sa New York, agad na tutungo ang magkabilang kampo sa Chicago, Illinois, upang doon naman mag-ingay hinggil sa magaganap na 12-round match na papagitna sa MGM Grand Arena sa Disyembre 6.
Sa kanyang ‘Kumbinasyon’ kolum, binanggit ni Pacquiao, reigning WBC lightweight champion, na sa loob ng linggong ito’y dadayo siya, pati na rin si De La Hoya sa Houston at San Antonio (Texas), pagkatapos ay lilipad patungong San Francisco at pabalik sa Los Angeles.
Inamin din ni Pacquiao, itinuturing ngayong No. 1 pound-for-pound sa buong mundo, na magkikita at magkakaharap sila ni De La Hoya hindi bilang magkaibigan.
“Bukas, o araw ng Miyerkules dito, magkakaharap ulit kami ni Ginoong Dela Hoya sa Statue of Liberty hindi bilang magkaibigan. Bukas, sisimulan namin ang paghahayag ng aming mga balak at mithi para sa laban na ito,” sambit ni Pacquiao.
Isiniwalat rin ni Pacquiao, na habang siya’y nasa himpapawid patungo sa New York, ay pinag-isipan niya kung gaano kalaki ang magaganap na laban.
“Habang nasa himpapawid kami kasama ang aking mga pinagkakatiwalaang mga kaibigan at miyembro ng training team, napag-isip-isip ko kung gaano kalaki itong laban na ito at kung ano talaga ang nakataya rito,” dagdag pa niya.
Pagkatapos ng komitmen sa pagpo-promote ng naturang laban, wala nang ibang pagtutuunan ng panahon ang Pambansang Kamao, kundi ang pag-eensayo.

 


Microsoft Internet Explorer 7 EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES