Kahit desidido ang propesyunal na liga na tulungan ang pambansang koponan sa 2009 Guangzhou FIBA-Asia Championship for Men, ang qualifier sa 2010 Turkey World Championship, nais din nitong maipagpatuloy ang momentum sa tagumpay sa pabukas nang 34th season mula sa nakalipas na taon.
“We just want to continue of what good (things) (former chairman) Tony Chua done and going to support the national team of coach Yeng (Guiao), sambit ni newly-elected Philippine Basketball Association chair Joaquin Trillo sa paglulunsad kahapon ng 2008-09 season ng pro league sa Diamond Hotel sa Ermita, Manila.
Si Trillo na tumatayo ring alternate governor sa PBA board of representatives ng Alaska Milk ang siya rin ang team manager ng Aces.
Inihayag naman ni league commissioner Renauld Barrios, na magkakaroon ng walong laro kada linggo o magkakasunod na limang araw ang didribol na sa Sabado, Oktubre 4 na KFC-Philippine Cup upang matapos ito at ang Fiesta Cup sa darating na Hunyo.
“Gusto naming maipabatid sa publiko ang maraming ginagawa ng PBA even in the off-season at sa pamamagitan nito plus the new changes for the leagues, we want to sustain the momentum for the season that we gained from the last season.”
Pinatutungkulan niya ang pag-angat pa rin ng gate receipts na ipinoste ng liga kahit na galing ito sa kabiguan sa naunang taon na partisipasyon ng PBA squad sa Tokushima FIBA-Asia.
Ilan sa mga tinukoy ni Barrios para muling dapat panoorin ng publiko ang PBA makaraan ang matagumpay na huling taon na nagwakas noong Agosto ay ang pagkakaroon ng bagong TV coveror (RPN-9) na may mga hi-tech eqiopment na ala-NBA, pagdayo sa unang pagkakataon ng liga sa mga ‘di pa napagdarausang out-of-town game; |