Nakatakdang sumulong ang CAAP 2000-under rapid chess tournament sa Linggo, Oktubre 5, ganap na ika-9 ng umaga sa Ramon Magsaysay High School, EDSA-Cubao.
Bukas sa lahat ng unrated at rated chessplayers na may NCFP raid rating na 2000-pababa. Tatanggap ng P4,000 ang champion, P2,000 ang 2nd place, P1,000 ang 3rd place, P700 ang 4th place, P500 ang 5th at tig-P300 mula 6th hanggang 10th place. Tatanggap din ng P500 ang magwawagi sa kategoryang Top Senior (50 above), Top Junior (20 Below), Top Kiddie (14 Below, Top Lady at Top Unrated. Ang registration fee ay P250.
Para sa detalye, tumawag sa 0917-5380022 (Rey Colitoy), 0929-2066627 (Raul Cruz), 0919-4873785 (Ferdie Reyes), 0922-6373365 (Gatz Luz), 0919-4512384 (Alfredo Chay) at 713-6811 (Milo Samaniego). |