ANG kanilang tatay ay kanilang lolo. Ang kanilang nanay ay kanilang ate…
Tampok sa The Correspondents bukas (Martes, Setyembre 2) nang gabi sa ABS-CBN ang mga batang biktima ng incest.
Tila ordinaryong bata lamang sila kung pagmamasdan. Sa likod ng kanilang kamusmusan, nagkukubli ang isang lihim na bumasag sa kanilang mga pangarap.
Edad trese si Mae nang ginahasa ng kanyang tiyuhin. Ang naging bunga nito ay dinala sa isang institusyon.
Ang magkapatid na Korinne (14 y/o) at Angeline (4 y/o) ay kapwa pinagsamantalahan ng nakatatandang kapatid, at kapwa hindi pinaniniwalaan ng ina at ibang kapatid.
Edad katorse si Gail nang simulang pagsamantalahan ng kanyang ama. Dalawa na ang anak nila.
Walang nagawa ang ina ni Gail kung hindi tanggapin ang sitwasyon dala ng kahirapan.
Paano naatim ng ibang tao na pagsamantalahan ang laman ng kanilang laman at dugo ng kanilang dugo?
|