September 01, 2008 - Monday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
BUNTIS NA-GANG RAPE!
Ni ARMIDA RICO
 

Hindi pinalagpas ng apat na holdaper ang pagdadalantao ng isang batam-batang ginang na kahera matapos na halinhinang gahasain ito bago nagsitakas tangay ang perang kinita sa magdamag ng fast food restaurant na pinaglilingkuran ng biktima kahapon ng madaling-araw sa Parañaque City.
Halos hindi na umano makalakad nang lubayan ng mga suspek ang 22-anyos na biktimang sadyang hindi na pinangalanan. Nabatid na may walong buwan nang buntis ang ginang.
Kabilang naman sa tinangay ng mga suspek ang P20,000 cash na kinita sa magdamag ng restaurant, dalawang cellphone at iba pang personal na gamit ng biktima dakong alas-singko ng madaling-araw.
Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Anthony Alising ng Parañaque Police Community Precinct 5, naganap ang kahayupan ng mga suspek sa biktima sa loob ng kusina ng Good Ah restaurant na nasa President Avenue, BF Homes, ng nasabing lungsod kung saan tumatayong kahera ang ginang.
Napag-alaman na bago maganap ang insidente, umorder muna ng pagkain at kumain ang apat na suspek na pawang nakasuot lamang ng pambahay na damit bago mag-alas-singko ng madaling-araw habang ang kahera at cook na si Romeo Arcega, 27, ng Sitio Zone 4, Muntinlupa City lamang ang nagbabantay sa nasabing restaurant.
Matapos kumain, bigla na lamang naglabas ng kani-kanilang baril ang mga suspek, tinutukan ang kahera at ang cook na si Arcega at nagpahayag ng holdap. Sinamsam ng mga suspek ang lahat ng salapi sa kaha pati na ang cellphone ng mga biktima at inutusan ang dalawa na pumasok sa kusina.
Pagdating sa kusina, iginapos ng packaging tape ng mga suspek ang mga kamay at paa ni Arcega, pati na ang buong mukha bago puwersahang hinubaran at pinilahan ang kawawang kahera.
Ayon kay SPO1 Alising, nakilala naman ng mga biktima ang isa sa mga suspek sa ipinakitang photo gallery ng mga kilabot na holdaper bagama’t pansamantala munang hindi isinapubliko ang pangalan nito.
Dati umanong rugby boy ang suspek at kilalang kilabot na holdaper habang inaalam pa ng pulisya ang katauhan ng apat nitong kasamahan.
Ayon sa mga biktima, ngayon pa lamang nila naging kustomer ang mga suspek sa kanilang restaurant. Pawang mga bata pa umano ang mga suspek na nasa pagitan ng 25 hanggang 30 taong gulang ang mga edad.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES