September 01, 2008 - Monday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
Senador Joey inilutang
(Rey Marfil/Juliet de Loza)
 

Ipinorma na ng kampo ni dating House Speaker Jose De Venecia Jr., ang pagtakbo ng kanyang ‘junior’ bilang senador sa 2010 national election, bitbit ang anti-corruption slogan na ipinamumukha sa administrasyong Arroyo.
Sa panayam ng dzBB radio, kinumpirma ng batang De Venecia, whistleblower sa $329.48-mil­yong broadband deal, ang posibleng pagtakbong senador sa 2010 election.
Maliban dito, hindi rin inalis ni Joey De Venecia, kaibigan ni Senate witness Rodolfo ‘Jun’ Lozada Jr., ang pagtakbong Congressman sa 4th district ng Pangasinan, kapalit ng kanyang ama.
Kasalukuyang nag-iikot sa iba’t ibang probinsiya ang batang De Venecia para ipangalandakan ang anti-corruption slogan, kasama si Lozada.
“Nakaabot na po ako sa Mindanao at iba-ibang bahagi ng NCR para sa masabi ko po ang ang a­king paninindigan at saka gusto kong isalaysay ang karanasan ko sa corruption sa gobyerno,” anang batang De Venecia.
Kaugnay nito, kinumpirma ng batang De Venecia na hindi na tatakbo ang kanyang ama.
“Pagod na ako sa pulitika at gusto ko na munang magpahinga.”
Ito ang umano’y naging litanya ng dating House Speaker sa kanyang anak.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES