September 01, 2008 - Monday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
EDITORIAL & OPINION
 
Maging karapat-dapat sa titulo
Editorial


Bagama’t ikinararangal ng Pilipinas na mapabilang si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang isa sa pinakamakapangyarihang babae sa buong mundo hindi pa rin ito sapat para malutas ang binabatang problema ng bayan.
Para sa amin mas maganda sana kung popular na ang Pangulo ay maunlad pa ang ating bansa.
Maaring kapag ganito ang senaryo marami ang bibilib sa Pangulo at maniniwala sa kanyang liderato.
Bukod dito mas mainam din sana kung popular din ang Pangulo sa sambayanang Filipino.
Lumalabas kasi sa mga nakalipas na survey ng Social Weather Station (SWS), Pulse Asia at iba pang grupo na nagsu-survey na isa ang Pangulo sa mga opisyal ng gobyerno na hindi popular at taliwas ito sa lumabas na ulat ng Forbes Magazine.
Kaya sana ay magsilbing ehemplo para sa Pangulo ang pagkakabilang niya sa makapangyarihang mga babae sa buong mundo at patunayang karapat-dapat ito sa titulo.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES