September 01, 2008 - Monday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
EDITORIAL & OPINION
 
Ramadan
Jun Bautista


Umpisa na ng mga buwan ng “ber” at 115 araw na lamang ay Pasko na. Umpisa rin ngayon ng banal na buwan ng Ramadan para sa mga kapatid na Muslim. Ayon sa kanilang paniniwala, sa buwan ng Setyembre may 1,003 taon na ang nakalilipas (7th century B.C.), nang ibigay ni Allah kay propetang si Muhammad ang Koran, ang kanilang Bibliya. Dito nagsimula ang relihiyong Islam. Siguro, kung baga sa Kristianismo, katulad ito ng pagbibigay ng Diyos Ama kay Moses nu’ng 2 tabletang bato, kung saan nakaukit ang 10 Commandments. Pero ayon sa ating paniniwala, nauna ‘yon nang mahigit yata 600 na taon.
Anyway, pinagdiriwang ang Ramadan ng mga Muslim sa pamamagitan ng taimtim na pagdarasal at ayuno, sa loob ng isang buwan. Ni bawal daw nga maki-apid. Sa normal na takbo ng buhay, ang Ramadan ay buwan ng kapayapaan. Kaya naman marami ang nananawagang tigil-putukan muna sa pagitan ng MILF at gobyerno. Pero hindi na yata normal ang takbo ng buhay sa mga panahong ito. Ilang dekada ng may karahasan sa mundo ng mga Muslim, ke Ramadan o hindi. Nariyan ang Afghanistan, Iraq, at Darfur sa Sudan. At huwag na tayong lumayo.. nariyan ang Mindanao.
Walang tigil-putukan hangga’t hindi isinusuko sina commander Bravo at Kato, sabi ng gobyerno. No way na isusuko namin sila, sabi naman ng MILF. Deadlock nga. Sa isang banda, sayang ang panahon ng Ramadan kung saan dapat ay medyo huminahon ang magkabilang panig, muling maupo at mag-usap. May mga Muslim leader na mismo ang nagsasabing bawal sa Koran ‘yung ginawa nina Bravo at Kato.. ang pumatay ng mga inosenteng sibilyan. Pero mayroon na ring tinatawag na “extremists”. Mayroong naniniwala na mas madadali ang pagpunta nila sa kaharian ni Allah, kung papatayin nila ang itinuturing na “kaaway” ng Islam. Sa bagay na ito ako naguguluhan. Maraming kapwa Muslim ang napatay ni commander Bravo sa kanyang pananalasa sa Cotabato.
***
Okay ‘yong ginawa ng gobyerno nitong mga karaaang araw, ang pulungin ang liderato ng MNLF at talakayin ang mga kakulangan sa 1996 Peace Agreement. Nabasa n’yo na siguro ang motibo sa timing nito, upang makakuha ng katiyakan na hindi papanig ang MNLF sa MILF. Talaga naman kasing marami pang hindi nasusunod sa kasunduang ‘yon. Pero ‘yong MOA na gusto ng MILF? Patay na ‘yon.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES