VUNG Tau, Vietnam --- Sa pagkasya ni Grandmaster Wesley So sa back-to-back draws, binuhat ni International Master Rolando Nolte ang laban ng Pilipinas nang umukit ng panalo sa sixth at seventh rounds ng first Dragon Capital Vietnam Open chess championship sa P.T. Hotel dito.
Pinagsisilat ni Nolte sina GM Nguyen Hoang Nam ng Vietnam sa sixth round at GM Nguyen Ngoc Truong Son ng punong-abala ring bansa sa seventh round para manatili sa kontensyon sa titulo sa mahirap na may siyam na yugtong Swisong torneo na ginaganap bilang sixth leg ng ASEAN Grand Prix.
Nasa ikalawang puwesto sa pangkalahatan si Nolte kasosyo ang kababayang si So at sina top seed GM Zurab Azmaiparashvili ng Georgia, GMs Dao Thien Hai, Nguyen Anh Dung, Tu Hoang Thong at IM Tu Hoang Thai, lahat mula sa Vietnam sa tangang five points.
|