Mabibigyan-pansin ang matagal nang napapabayaang kategoryang Masters sa mga palaro sa bansa na sikat sa labas sa pag-arangkada ng 1st Masters and Open 10-Kilometer Run sa Nobyembre 16 sa Philippine Army headquarters sa The Fort, Taguig City.
Magkakatuwang na babalangkasin ito nina multi-titled marathoner Rey Antoque ng Philippine Army (race director), multi-titled half-marathoner Cornillo ‘Fred’ Villarta (race organizer), Alyne Mendoza (secretary), Michael Mendoza at Rodolfo Tacadino.
Aayudahan ito nina Senator Pilar Cayetano-Sebastian, Chairman William Ramirez ng Philippine Sports Commission (PSC), Commanding General Victor Ibrado ng Phil. Army, race organizer Rio dela Cruz, Mizuno, Nike at Champion.
Nakataya ang mga medalya, sertipiko ng karangalan, pera, sandong pantakbo, paripa at almusal para sa mga magwawagi at mga makakatapos ng karerahan. Ang bayad sa pagsali ay P250.
Nagsimula na noong Sabado ang parehistruhan at ang huling araw ay tinakda sa Nob. 15. Makababatid ng iba pang mga detalye sa pamamagitan ng mga cellular phone na 0909-9513700, 0929-8151734, 0919-3573216, 0921-5624350 at 0926-5619608.
Ang tatlong lalaki sa Masters race na mga pararangalan ay sa mga taong 40-45, 45-49, 50-54 at 55-59 at 60 pataas, habang sa mga babae ay 35-39, 40-45, 46-55 at 51-above. Sa Open race naman, may gantimpala ang top 20 male & female finishers. |