September 08, 2008 - Monday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
OTHER NEWS
 
 
Lady solon nagkalat ang libag
(Rey Marfil)

Taliwas sa ‘media projection’ bilang isa sa tinaguriang ‘flawless’ at walang kasabit-sabit ang balat, katulad ng mga kilalang showbiz personality na nag-endorso ng mga whitening pills at iba pang uri ng cosmetic products, nagkalat ang libag sa leeg ng isang lady solon.
Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano libakin ang lady solon ng mga mediamen, kasunod ang pagkakadiskubreng ‘libagin’ ang leeg ng lady solon, animo’y hindi marunong gumamit ng labakara.
Bago nabisto ang pagiging libagin o hindi paghihilod ng lady solon kapag naliligo, masayang nakikipag-usap sa isang kasamahang mambabatas ang karamihan sa mediamen kung saan katatapos lamang ng interbyu subalit biglaang sumingit sa kuwentuhan ang nabanggit.
Sa pagsingit ng lady solon sa umpukan, kaagad napansin ng naglipanang kurimaw sa session hall ang ‘mala-Philippine map’ na balat ng mambabatas kung kaya’t hindi maiwasang magtinginan ng mga reporters para paglaruan sa isipan kung anong bagay ang nagkalat sa parteng likuran ng kanyang katawan lalo pa’t naka-backless at naka-strap lamang ang bra nito.
Makaraan ang interbyu, nagawa pang pagtalunan sa Media Center ng mga mamamahayag kung anong bagay ang nasa likod at leeg ng lady solon, katulad ang alegasyong make-up o natuyong foundation ang nagkalat sa balat ng mambabatas.
Sa bandang huli, nanaig ang opinyon at paniniwala ng karamihan sa mga kababaihang reporter na halos ga-hibla lamang ang distansya sa lady solon habang nag-interbyu kung saan pinanindigang libag at hindi natuyong foundation ang nasaksihan ng mga ito.
Ang masakit sa panig ng lady solon, meron pang mediamen ang nagkomentong ‘press release’ lamang ng mambabatas ang pag-aastang ‘flawless’ at tinatakpan lamang ng pulbos o foundation ang ‘nagma-mapa’ at ilang nangingitim na parte ng balat, gamit ang mga makabagong make-up.
Clue: Kasing-lawak ng Philippine territory ang ambisyon ng lady solon sa pulitika. Ito’y mahilig makipagrelasyon sa mas senior citizen. Kung senadora o congresswoman, abangan kung magka-crying lady sa 2010 elections lalo pa’t namumurong maetsapuwera ng partido. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES