| BATA PATAY SA GITGITAN NG TRAPIK |
| Tumimbuwang ang isang nadamay lamang na batang babae nang mabaril ng isang pulis makaraang humantong sa malaking gulo ang simpleng gitgitan sa trapik ng alagad ng batas sa isa namang titser na kanyang nakasabayan sa lansangan kamakalawa ng gabi sa Pasig City. |
| SC ruling kay Neri mahahabol pa |
| Hindi pa rin sumusuko at nauubusan ng pasensya si UP Law Professor Atty. Harry Roque para tuluyang mapiga si dating Economic Planning Secretary Romulo Neri na ibunyag ang nalalaman nito sa naging papel ng administrasyong Arroyo sa nadiskaril na $329-million broadband deal. |
| P125 wage hike ‘wag harangin |
| Imbes na harangin, dapat na umanong masertipikahan ngayon bilang urgent ng Malacañang ang panukalang P125 across-the-board legislated wage hike ng mga manggagawa sa pribadong sektor na ilang taon nang nakabitin sa Kongreso. |
| Pag-awdit sa Meralco sinegundahan ni Mikey |
| Sinegundahan na rin kahapon ni House Energy Chairman at Pampanga 2nd District Rep. Juan Miguel ‘Mikey’ Arroyo na sumailalim sa auditing ng Commission on Audit (COA) ang Manila Electric Company (Meralco). |
| Patas na laban hirit ni Ping sa 2010! |
| Ibinasura ni opposition Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson ang senaryong ‘pera-pera’ ang labanan sa 2010 presidential election, kasabay ang alegasyong makakatipid ng P3 bilyon hanggang P10 bilyon ang isang kandidato kung patas ang laban nito. |
| Ipot ng manok pinaiimbestigahan ni Miriam |
| Hindi lamang pagpapartehan sa P150 milyong extra duty allowances ng mga top executives ng Department of Education (DepEd) ang pinag-iinitan ni administration Sen. Miriam Defensor-Santiago matapos paimbestigahan sa Senado pati ang ipot o dumi ng mga manok. |





