September 08, 2008 - Monday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
Pag-awdit sa Meralco sinegundahan ni Mikey
(Nilo Marasigan)
 

Sinegundahan na rin kahapon ni House Energy Chairman at Pampanga 2nd District Rep. Juan Miguel ‘Mikey’ Arroyo na sumailalim sa auditing ng Commission on Audit (COA) ang Manila Electric Company (Meralco).
Sa panayam, sinabi ni Arroyo na panahon na para sumailalim sa honest-to-goodness auditing ang naturang power firm upang matuldukan ang sari-saring hinalang ikina­kabit sa idinadahilan nitong umano’y under recove­ries na basehan ng pagtataas ng singil sa konsumo sa kur­yente na direktang tatama sa may apat na milyong consu­mers sa franchise area nito.
“Para mawala na ang suspicion, it is time na buksan na nila ang libro para sa honest-to-goodness auditing,” litanya ng mambabatas dahil sa hanggang ngayon ay hindi pa rin aniya maintindahan ng mga tao kung bakit kailangang magtaas ng singil sa kuryente gayong nasa downward trend ang lagay ng pres­yo ng produktong petrolyo sa world market.
Sinabi pa ng batang Arroyo na ipupursige nito ang hakbang bilang Ener­gy Committee chairman sa Kongreso hangga’t hindi nililinaw ng Korte Suprema ang usapin na hindi na saklaw ng COA ang Meralco at oil firms na nais din nitong sumailalim sa katulad na proseso.
Samantala, sinabi pa ni Arroyo na bagaman pagpapakita ng pagiging sensitibo sa mahirap nang kalagayan ng consu­mers ang pagbabawas ng 1 centavo sa generation rate charge sa halip na 2 centavo nga­yong buwan sa singil sa kur­yente, dapat pa rin ani­yang magpaliwanag ang Meralco sa planong po­wer rate adjustment sa halip na ang Energy Regulatory Commission (ERC) ang gumagawa nito.
“Hindi naman naiintindihan ng karaniwang tao ang pagtaas ng singil sa kuryente, kahit kaming mga mambabatas nga nagtatanong. At bakit ang ERC ang nagpapaliwanag, hindi ang Meralco?” dagdag pa nito.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES