Billy Balbastro

Allan Diones

Jun Lalin

Abu Tilamzik


Pralala Et Cetera

Showbiz Gallery


 

ENTERTAINMENT

Jay, wala nang oras maging pasaway


Ibinalik ng GMA 7 ang kanilang original Starstruck love team na sina Mark Herras at Jennylyn Mercado last Thursday sa episode# 265 ng Magpakailanman at maganda ang resulta sa ratings.

In a week’s time, mabilis ang mga pangyayari. Biglang may anunsyo na magti-team up sila sa sinenobelang My Only Love sa direksyon ni Louie Ignacio.

May mga release din na si Jennylyn na ang kapareha ni Robin Padilla sa bagong action-soap nito na Joaquin Burdado na base sa komiks serye ni Carlo Caparas.

At heto ang announcement na kinagulat ng marami. Na si Jennylyn ay talent ng Artists Center ng GMA. Ang Artists Center ang manager niya. At si Becky Aguila na kinilala ng lahat na manager niya ay isang agent o booker niya lang.

Hinihintay namin ang pinakamahalagang assignment para kay Jennylyn. Na ibibigay sa kanya ang action-soap na Angela Markado. Isang female story talaga ito.

Exciting story: isang rape victim na naghiganti sa lahat ng rapists.

Nang ginawa itong pelikula ni Lino Brocka in the late 70s, si Hilda Koronel who was only 18 ang gumanap sa title role. Kinumbida ang movie na ito sa Nantes: Festival of 3 Continents at nanalo ito ng best picture, a first.

Iyong pelikula ang nagsimula ng winning streak ni Brocka sa ibang bansa. What kung makukuha iyon ni Jennylyn? Parang Lipstick ito at nauna ito sa Hollywood movie ni Margeaux Hemingway noon.

***

All of a sudden, dalawang pelikula ang ginawa ni Eric Quizon sa bakuran ng Regal -- not as director -- kundi bilang actor. At nagbibiyahe talaga siya.

Nagsisiyuting siya some days sa Laguna para sa Bahay Kubo ni
Joel Lamangan, na Pinoy version daw ng
Mano Po
. Ginagampanan niya rito ang papel na mister ni Maricel Soriano.

Isang stepdad ang role niya sa Hide ‘n Seek ni Rayhan Carlos na sinisyuting sa Pampanga. Malamang uunahin ni
Eric ang pelikula ni Rayhan dahil priority project ito. Ito ang launching movie ng team nina Jennica Garcia at Mart Escudero. Kasama rin sa movie ang mom ni Jennica na si Jean Garcia.

Sa title pa lang, Hide n’ Seek, alam na natin na isang horror movie ito na pang-Halloween. October 31 ang playdate nito.

***

Aba, pinag-uusapan na naman si Jay Manalo beyond the chicks at casino kaya marami ang natutuwa.

Busy muli si Jay sa trabaho at nagwakas na raw ang kanyang days of ‘confusion’, sabi ng handler niya.

Ayon kay Chino Sarena, past is past at maraming natutuhan si Jay sa nakaraan.

Kaya sinabi ni Chino, all’s well. May regular at long-term job muli si Jay. Siya ang main kontrabida, hindi lang one of those, sa Zaido: Pulis Pangkalawakan.

"At least may pinagkakaabalahan siya at wala nang time magpasaway," sabi ng handler at kaibigan.

Kami naman ay natutuwa dahil kasama rin ang protégé ng aming good friend na si Jojo Gabinete, si Diana Zubiri, sa Zaido. After Asian Treasures, may bagong GMA assignment si Diana.

***

NOTES: Isang gay ang papel ni Rainier Castillo sa episode #266 ng Magpakailanman tonight.

Uso ngayon ang mga gay roles kahit sa telebisyon. Sayang, hindi siya nakuha sa pelikulang Nars nina Jennylyn Mercado at Nadine Samonte kung saan gay rin sana ang papel niya.

Pinalitan si Rainier ni Coco Martin.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top