|
RP keglers, umuwing luhaan sa int’l meet Olympics: Polluting factories sa Beijing ‘di isasara
|
SPORTS
UPDATE
ISA NA LANG SA R’LIONS (Mark Escarlote) Sinakmal ng defending champions San Beda Red Lions ang 76-68 pananaig sa Game One ng kanilang best-of-three finals showdown ng Letran Knights kahapon sa NCAA. Ngunit hindi naging madali para sa Red Lions ang unang tatlong quarters lalo pa’t nakipagsabayan nang husto ang mahigpit na karibal na Knights, na huli nilang nakatapat noong 1950s. "Well, it wasn’t easy that’s a fact," ani San Beda rookie mentor Frankie Lim, na nais maduplika ang back-to-back championships na naibigay niya sa Red Lions noong 1977-78 habang player pa lamang ng koponan. "We struggled offensively in the first three quarters just because of the tight defense of Letran." Nagsilbing lider ng San Beda si Ogie Menor upang simulan ang kanilang krusyal na end game run sa pagputok ng siyam sa kanyang 23 points sa fourth quarter. Sinegundahan siya ng kanyang kapwa beteranong sina Pong Escobal na may 17 points at limang assists, Sam Ekwe na may double-double output na 14 points at 18 rebounds habang si Yousif Aljamal ay may 12 points. "Malaki naman ang tiwala sa akin ni coach kaya ginagawa ko rin naman ang part ko," pahayag ni Menor sa pagsiklab ng importanteng 5-point spurt na tinapos niya ng isang triple sa nalalabing 6:37 ng laban upang tuluyan nang kontrolin ng Red Lions ang laban. Pinahirapan nang husto ng Letran ang San Beda sa unang tatlong canto kung saan hindi nakalayo ang Red Lions at pinanghawakan lamang ang manipis na 48-47 lead patungong fourth quarter. "Nakita ko nahirapan silang umopensa, masyadong madikit ang depensa ng Letran. They are extending all the way," pag-amin ni Lim sa matinding pag-angkla ng Knights sa kanyang mga main men. "I’m happy Ogie (Menor) did a good job against their defense." Nakaagwat lamang ang San Beda nang husto sa back-to-back baskets ni Menor na sinundan pa ng kanilang 8-2 run sa nalalabing 3:22 ng laro para sa 66-57 cushion. Tuluyan na nilang sinelyuhan ang laban sa dalawa pang convertion ni Menor at putback ni Ekwe may 50 segundo na lamang sa orasan upang lumayo, 72-61. "I’m expecting a tougher second game next week," dagdag ni Lim, na inaantisipa rin ang pagresbak ng Letran sa Game Two na magaganap sa Big Dome sa Miyerkules. Samantala, nairekord ni Ryan Buenafe ang kanyang ikaapat na triple double performance ngayong season upang buhatin ang San Sebastian College Staglets laban sa Letran Squires, 90-72, sa Game One at lumapit ng isang panalo na lamang tungo sa pagtupad ng kanilang tangkang three-peat. Nagtapos si Buenafe ng 28 points, 15 rebounds at 10 assists para sa Staglets habang si Arvie Bringas ay may 21 points at 15 rebounds. Kapwa naman pumukol sina Jerome Delgado at Raffy Gusi ng 12 points. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||||
|
|