Sept. 23, 2008 -Tuesday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
NEWS NEWS
HOME
HEADLINES EDITORIAL AND OPINIONS
Abante Online
HEADLINES
 
Dagdag-sahod sa nurses hinihirit
(Nilo Marasigan)
 

Iginiit kahapon sa Kamara na taasan na ang sahod ng mga nurse sa mga government hospitals at iba pang public health institutions para maresolba ang problema sa oversupply ng mga ito sa bansa.
Ginawa ni House De­puty Minority Leader at Bayan Muna Rep. Satur Ocampo ang rekomendasyon sa pagpapatuloy kahapon ng budget hearing ng Department of Health (DOH).
Ayon sa mambabatas, dapat dagdagan na lamang ang proposed P27.803 billion 2008 budget ng DOH para mapaglaanan ng pondo ang pag-upgrade sa sahod ng mga government nurses at makapagbukas pa ng mga plantilla positions para sa mga bagong nurse sa mga pampublikong pagamutan.
Ipinaliwanag ng mam­babatas na bagaman may 6-taon nang pinagtibay ang RA 9173 o Nursing Act of 2002 partikular ang section 23 o ang pagtataas ng minimum base pay ng mga nurses sa mga public health institutions sa salary grade 15, taun-taon ding itong tinatabla at hindi pinaglalaanan ng kaukulang pondo ng Department of Budget and Management (DBM) kaya’y nakakadagdag pa ito sa problema.
“Realignments must be done by the Appropriations Committee,” paliwanag pa ni Ocampo patungkol sa may P1.415 trillion 2009 budget na ngayo’y binubusisi ng Kamara.
Sa kasalukuyan, base sa datos ng Professional Regulation Commission (PRC) ay umaabot na ang oversupply ng mga nurses sa bilang na 400,000 habang problemado naman ang DOH sa kakulangan ng mga nurses sa mga public health institutions.
“The DOH should see the simple logic that it can drastically reduce the lack of nurses in government hospitals if it works to create more plantilla positions and immediately upgrade nurses salaries,” dagdag pa nito.

 

Microsoft Internet Explorer 7 EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES