KULANG SA TAPANG SI NERI

Pagrenda sa Garci pinalagan

Senado sinugod

Abalos yayariin sa impeachment

Erap di yuyuko sa Malacañang


Hulaan Blues

Crime Stories


 

TOP STORIES

Pagrenda sa Garci pinalagan

(BTaguinod/RMiranda)


Kaagad nagsanib-puwersa ang tinaguriang "Solid 8" sa hanay ng opposition bloc sa tangkang pagrenda ng Malacañang sa Hello Garci probe, partikular ang paghain ng petisyon sa Korte Suprema para harangin ang imbestigasyon.

Sa pamamagitan nina Senate minority floor leader Aquilino "Nene" Pimentel Jr., Sens. Panfilo "Ping" Lacson, Benigno Aquino III, Rodolfo Biazon, Manuel Roxas, Antonio Trillanes IV, Loren Legarda at Maria Ana Counsuelo Madrigal-Valade, kinontra ng oposisyon ang inihaing petisyon sa Korte Suprema ng Malacañang.

Kinuwestyon ng Solid 8 ang petisyon nina Santiago Ranada at Oswaldo Agcaoili, pinagdudahang ‘pakawala’ ng Malacañang tungkol sa pagpapatigil ng Hello Garci probe, partikular ang imbestigasyon sa wiretapping activities ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) sa mga kilalang personalidad.

Aniya, napakahalaga ng ginagawang imbestigasyon ng Upper House sa Hello Garci controversy lalo pa’t usapin sa dayaan noong national election at paniniktik ng militar ang nakasentro sa pagharap ni dating ISAFP agent T/Sgt. Vidal Doble.

Samantala, desidido naman ang Malacañang na ipatigil ang Senate hearing sa Hell Garci sa pamamagitan ng paghahain ng matibay na oral argument sa Supreme Court.

Ayon kay Ermita, magaganap ang oral argument sa SC sa susunod na linggo. 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top