|
Ilakip ang inyong pangalan at address sa inyong ipadadalang mga katanungan at mga suhestyon. Maaari kayong magpadala ng liham sa tanggapan ng pahayagang ito sa No. 167 Liberty Bldg., Roberto Oca St., Port Area, Manila o e-mail sa chizescudero2007@yahoo.com o sa pamamagitan ng SMS o text message sa teleponong 0915-2974053.
|
PUBLIC
SERVICE
Special parental authority ng paaralan Dear Sir Chiz, Minsan, gustong lumabas ng anak ko sa paaralan n’ya upang bumili ng coupon. Pero dahil hindi siya pinalabas ng gwardya, umakyat siya ng pader at nabali ang kamay. May karapatan po ba ako na idemanda ang paaralan ng anak ko o kaya’y magreklamo rito? Taos pusong gumagalang, Romana ng Lingayen, Pangasinan. 0921437**** Dear Romana, Ayon sa ating batas, ang paaralan ay may "special parental authority" sa mga menor de edad na mag-aaral habang sila ay nasa pangangalaga nito. Dahil sa responsibilidad na ito, ang paaralan ay pangunahin at direkta na mananagot sa pinsalang dulot ng ikinilos ng mag-aaral. Ang isang gwardya ay itinuturing na kinatawan ng paaralan sa loob ng panahong siya ay gumaganap sa kanyang mga tungkulin. Dahil dito, may responsibilidad din ang gwardyang ito na pangunahin at direktang managot sa pinsalang nangyari sa mag-aaral, kung ang pinsalang ito ay naganap sa oras ng kanyang panunungkulan. Sa kabilang banda, siya ay abswelto sa responsibilidad na ito kung mapatunayan niya na kanyang ginawa ang lahat ng makakaya upang maiwasan ang pinsalang ito. Romana, makabubuting alamin mo muna ang mga kaganapang sangkot sa pagkaaksidente ng iyong anak bago ka magsampa o magreklamo. Maaari kang humingi ng danyos perwisyo laban sa paaralan o di kaya ay magreklamo sa paaralan laban sa gwardya kunsakaling mapatunayan mo nga na wala o hindi sapat ang kanyang ginawa upang mapigilan ang aksidente. Halimbawa, maaari mong patunayan na hindi napansin ng gwardya ang pag-akyat ng iyong anak sa pader, o hindi niya pinigilan ang kanyang pag-akyat, o hindi siya gumawa ng paraan upang maalalayan ang iyong anak sa pagbaba nito sa pader. Francis "Chiz" Escudero Ilakip ang inyong pangalan at address sa inyong ipadadalang mga katanungan at mga suhestyon. Maaari kayong magpadala ng liham sa tanggapan ng pahayagang ito sa No. 167 Liberty Bldg., Roberto Oca St., Port Area, Manila o e-mail sa chizescudero2007@yahoo.com o sa pamamagitan ng SMS o text message sa teleponong 0915-2974053. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|