|
|
ENTERTAINMENT
Rufa Mae, pwedeng ‘bumigay’ kay Billy Maraming natuwa sa pagiging sweet nina Rufa Mae Quinto at Jay Manalo sa isa’t isa nu’ng Linggo sa Showbiz Central. Inamin ng dalawa na minahal nila ang isa’t isa nu’ng panahong magkarelasyon sila at hanggang ngayon ay nanatili silang mabuting magkaibigan. Si Jay ang unang showbiz boyfriend ni Rufa Mae. Nu’ng time na ‘yon ay hindi raw niya alam na may anak sa ibang babae si Jay. Kahapon sa presscon ng
comedy flick na "Ayokong banggitin kung sino! Baka mamaya, may umiyak-iyak diyan! Ha! Ha! Ha!" tawa ng sexy comedienne. "At saka minahal ko lang ‘yon, ha? Hindi ko naman naging boyfriend. Hanggang love lang," dagdag tsika niya. Ibig sabihin, walang physical contact na nangyari sa kanila? "Hindi pwede, eh…" Si Bong Revilla ba ito? "Ha! Ha! Ha! Siyempre, sa inyo, hindi naman ako magsisinungaling. Pero hindi ko kayang sabihin sa fans kung sinuman siya! Ha! Ha! Ha!" natatawang sagot ni Rufa Mae. Meron din daw isang pulitiko na nag-propose ng kasal sa kanya noon. Mayor daw ito ng San Juan at itago na lang natin sa pangalang Jayvee Ejercito, na may asawa na rin ngayon. "Sa TV pa nga siya nag-propose noon, ‘di ba? Pero hindi naman talaga naging kami, nag-date-date lang kami dati." Ano bang totoo sa kanila ni Billy Crawford? Totoo bang may relasyon sila? "Kami? Magkaibigan kami ni Billy," sagot ni Rufa Mae. Eh, bakit maraming nakakapansin na halata raw na may namamagitan sa kanila ni Billy? "Hindi pwede, eh! Kasi, ka-friends ko pa lang siya ngayon talaga. Pero siyempre, hindi naman natin masasabi in the near future. "Pero wala talaga sa
ngayon, eh! Magkaibigan lang kami. I guess we care for each other, gano’n.
Pero hindi pa keri, eh!" Madalas ba silang mag-date? "Group date. Grupo kaming lumalabas." Nagpupunta rin ba si Billy sa bahay niya? "Well, marami silang pumupunta. Barkada…" Pwede ba siyang mainlab kay Billy? "Why not, ‘di ba? Kaya lang, hindi naman minamadali ang love, eh! Alam mo ‘yon? "Bago lang din siya rito, so bagong kaibigan. Paulit-ulit na ‘yung isyu, pero wala akong masabi dahil hanggang friends lang talaga kami ngayon." Lately ay mga singer ang na-link sa kanya gaya nina Duncan Ramos at si Erik Santos. Ngayon ay international na ang level niya, Billy Crawford! "Sosyal! Ha! Ha! Ha! Oo nga, destiny ko kaya ang singer? O mag-iiba na lang ako? "Hindi, tutulong muna ako sa bayan. Magpapatawa na muna ako. Ayoko na muna ng ano… mag-e-entertain muna ako ng mga tao," napapangiting bulalas ng seksing komedyana, na nakipagtagisan ng galing sa pagpapatawa kina Eugene Domingo, Candy Pangilinan at Pokwang sa Apat Dapat, Dapat Apat na ipalalabas sa Oktubre 10. *** Kahit blind items ang lumabas ay tukoy na tukoy na si Jean Garcia at ang kalabtim ng anak niyang si Jennica Garcia na si Mart Escudero ‘yung showbiz mother na sinasabing binilinan daw ang kapareha ng kanyang anak na gumamit ng condom. Inusisa namin tungkol dito ang 17-anyos na si Jennica sa press launch niya kahapon bilang bagong image model ng Bonjour de Corp apparel at tahasan itong itinanggi ng bagets. "Hindi po totoo ‘yon! Maniwala po kayo sa akin, hindi po ako nagsisinungaling. Wala pong nangyaring gano’n! "Bata pa po ako. Huwag na lang sana nating pag-usapan ‘yon dahil hindi po totoo. Hindi ko po alam kung bakit may ganu’ng lumabas," malumanay na bulalas ng pretty daughter ni Jean, na halatang apektado sa pangit na isyu. Pero siya ba ay pinagsasabihan ng mommy niya na mag-iingat siya dahil baka mabuntis siya? "Open po ako sa mommy ko, pero hindi niya po ako kailangang sabihan ng gano’n dahil kilala niya po ako," seryosong sagot ng bagets. Dahil si Mart ang lalake, baka ito ang pinagsasabihan ng mommy niya tungkol sa mga bagay na gano’n? "Hindi po. Wala po talagang nangyaring gano’n. Kahit po biruan, wala pong gano’n. At saka ‘pag magkasama po si Mart at si mama, palagi po akong kasama," ani Jennica. Ang pangit nu’ng tsismis dahil ang babagets pa nila pero ang dating nu’ng isyu ay tipong nagsi-sex na sila… "Nakakalungkot po, pero hindi po talaga totoo ‘yon at ayoko na po siyang pag-usapan. Sorry po. "Hindi ko po kayo sinu-showbiz. Hindi po ako nagsisinungaling. Ayoko na lang po talagang pag-usapan pa ‘yon," nangingilid ang luha at malapit nang umiyak na pakiusap sa amin ni Jennica Garcia na mainstay ng Boys Next Door at Pasan Ko Ang Daigdig. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|