|
|
ENTERTAINMENT
ARA, MASAMA ANG LOOB Ikinasama raw ng loob ni Ara Mina ang hindi pagkakapili sa kanya para kumanta sa Pacquiao-Barrera fight sa Oktubre 6 sa Las Vegas, Nevada. Napaiyak pa raw si Ara dahil sa mga birang natanggap dahil isyung ito. Hindi natin mapigilan ang ibang magsalita tungkol sa isyung ito dahil sa paniniwala nila ay wala pang kapasidad si Ara para kumanta ng Lupang Hinirang. Hayaan na lang natin sa propesyonal na singer ibigay ito para hindi kakaba-kaba ang sambayanang Pilipino. Kung may mangyaring palpak sa pag-awit ay kahihiyan din ito ng mga Pinoy. Sana, maintindihan ni Ara ang sitwasyon. Tutal, mas hinahangaan siya bilang aktres at proven na ang kakayahan niya sa aspetong ito. *** May fans na pinagtutulungan si Jeremy Marquez tungkol sa Rhian Ramos issue. Si Jeremy na ‘man of few words’ ay inaakusahang madaldal. Magsitigil nga kayo na panay ang away ninyo sa mga nili-link kay Rhian! Feeling yata ng mga ito ay pag-aari nila si Rhian na siya mismo ay naiirita sa mga ito. Hindi ko na tuloy malaman kung anong meron si Rhian na bawat galaw ng magandang bagets ay pinupuna ng mga ito. Mabuti na lang at hindi mapagpatol si Jeremy sa mga ganitong petty issue. Kami na lang ang sumasagot for him. O baka may pagnanasa ang mga ito sa guwapong anak ni Joey Marquez? Basta, ang pinagbubuti ni Jeremy ay ang trabaho niya bilang barangay chairman ng Barangay BF sa Parañaque. *** Tuwang-tuwa naman ang production staff ng Zaido, Pulis Pangkalawakan sa magandang ratings na nakuha nito sa una at pangalawang araw nito sa ere. May nagsasabi na mas maganda raw ang sa Lastikman pero ang nagsasabi ay matatanda at normal lang ‘yun dahil mga bagets ang market ng Zaido. Mas nakaka-relate ang mga bagets sa Zaido na isang modern fantaserye. After 24 Oras ito inilagay para hindi mapuyat ang mga bagets na laging nag-aabang dito. *** Nagdiwang ng kanyang kaarawan si Maureen Larrazabal sa taping ng Bubble Gang noong Lunes nang gabi. Kaya bukod sa trabaho ay nagkaroon ng kasiyahan nu’ng gabing iyon. Iba’t ibang magagandang gags na naman ang kinunan nila para sa Friday edition ng Bubble Gang. Regular na rito si Mark Herras bukod sa iba niyang programa sa GMA 7. Kaya bihirang gumimik ang young actor at tinatawanan na lang namin ang mga intriga at blind items na nasusulat patungkol sa kanya. Happy rin si Mark para sa best friend na si Rainier Castillo na nabigyan ng magandang role sa upcoming teleserye ni Richard Gutierrez na Kamandag na nagsimula nang mag-taping sa Malolos, Bulacan. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|