|
Komite sa pagpili ng permanent commissioner sa PBA nabuo Bilang ng atleta ng RP sa SEAG lolobo pa Humirit pa kaya ang Ateneo sa La Salle? DL Peña ng Mapua, MVP sa ‘07 NCAA
|
SPORTS
UPDATE
WALANG PATAWAD! R’Lions kampeon na naman (Mark Escarlote) Wala nang dapat pag-usapan pa. Unti-unti nang umuusbong ang dinastiya ng San Beda Red Lions. Ito ang pinatunayan ng Red Lions kahapon nang tuparin nila ang kanilang title retention bid sa ginawang finals sweep kontra Letran Knights, 76-64, kahapon sa NCAA. Hindi na nga pinaabot pa ng Red Lions ang kanilang best-of-three championship duel sa Game Three upang iakyat ang kabuuan ng kanilang senior’s basketball title sa 13, ang third winningest school ng liga kasunod ng Letran (15) at Ateneo (14 nang ito’y nasa NCAA pa). Ito naman ang kanilang ikatlong back-to-back championship na una nilang nagawa noong 1951-52 at 1977-78 season. Doble black eye naman ang inabot ng Knights nang pabagsakin din ng three-peat champion San Sebastian Staglets ang Letran Squires, 88-83, sa junior’s division finals. Ang malakas na simula ang naging sandigan ng Red Lions upang agad lumayo at hindi na papormahin pa ang katunggali, na huli nilang nakatapat sa Finals noong 1950 kung saan nagwagi ang Letran. "We started out strong, I just tried to match their (Letran) intensity," ani San Beda rookie mentor Frankie Lim, na kasama sa Red Lions 1977-78 champion squad. "Sabi ko sa mga bata ibubuhos nila ‘yan sa first quarter just to dictate the tempo kaya’t sinabayan lang namin." Pinangunahan ni finals MVP Ogie Menor ang San Beda sa pagtatapos ng 25 points at tatlong rebounds habang si incoming pro Yousif Aljamal ay may double-double performance na 24 points at 10 rebounds sa kanyang pinakahuling playing year. "It feels great and very rewarding. I have to give it to the boys, they are very intelligent players," dagdag pa ni Lim. "Itong mga batang ito ay may puso at mataas ang kompiyansa. They know their skilled, they have the confidence and it’s all about executing our plans." Ngunit nagbigay pa rin kahit papaano ng malaking hamon ang Knights sa second half nang maibaba nila ang kanilang 17-point deficit sa lima, 52-47, sa nalalabing 1:38 ng ikatlong period mula sa kanilang siniklabang 12-0 run. Pero ito na ang kanilang pinakahuling pagkikig nang buhatin na ni Menor ang Red Lions sa fourth period sa ibinulusok na 12 puntos upang tuluyan nang alisin ang natitirang buhay ng Letran. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||||
|
|